Wednesday, March 25, 2026

DFA at DOE, nagtutulungan para makasiguro ng supply ng langis ang Pilipinas

Tumutulong ang Department of Foreign Affairs (DFA) para masiguro na magkakaroon ng karagdagang supply ng petrolyo ang bansa.

Sa kapihan sa Manila Prince Hotel, sinabi ni DFA Secretary Tess Lazaro na nakikipag-ugnayan sila sa mga partner na bansa para masiguro na magpapatuloy ang paghahatid ng supply ng langis sa bansa.

Sa kabila nito, ipinauubaya na raw nila sa Department of Energy (DOE) ang ibang detalye kaugnay sa karagdagang supply ng petrolyo.

Samantala, binanggit din ng kalihim na Disyembre pa lamang ng nakaraang taon ay may naging pag-uusap na ang mga minister of energy mula sa mga bansang miyembro ng ASEAN para paghandaan ang ganitong sitwasyon

Facebook Comments