DFA at DOJ, may paglilinaw kaugnay sa pag-uwi ng bansa ni Mary Jane Veloso

May paglilinaw ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pag-uwi ng bansa at pagsisilbi ng sentensya ni Mary Jane Veloso.

 

 

Sa isang joint statement, sinabi ng dalawang ahensya na tinatalakay pa rin ng Pilipinas at Indonesia ang mga kondisyon para sa pag-transfer kay Veloso.

Obligado anilang kilalanin at sundin ng Pilipinas ang mapagkakasunduang kondisyon.


Partikular na ang pagsisilbi niya ng sentensya rito sa bansa matapos maabswelto sa death penalty o parusang bitay sa Indonesia, na ipinagbabawal sa batas ng Pilipinas.

Nauna nang sinabi ng DOJ na “life imprisonment” o habambuhay na pagkakakulong na ang magiging sentensya ni Veloso dahil hindi naman sakop ng mga batas sa bansa ang pagpapataw ng parusang bitay sa kahit sino man.

Facebook Comments