DFA at ibang mga ahensiya ng gobyerno ng Pilipinas, magsasagawa ng joint press conference para mabigyang linaw ang nangyaring insidente sa Ayungin Shoal

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na batid nila ang naturang insidente na ini-report at ibinahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Kung kaya magsasagawa ng isang joint press conference ang DFA mamayang ala-1:30 ng hapon kasama ang key members ng National Task Force on the West Philippine Sea uoang mabigyang linaw ang naturang insidente sa Ayungin Shoal.

Matatandaan na nagkaroon ng pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa mga barko ng PCG habang nagsasagawa ng resupply mission sa bahagi ng West Philippines Sea.


Iniiskortan umano noon ang barko ng PCG ang indigenous boats na inarkila ng AFP bitbit ang mga pagkain, tubig, krudo at iba pang supplies.

Dito, binigyang diin pa ng ahensya ng Pilipinas ang paglabag ng China Coast Guard sa international law kabilang na rito ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS), at 2016 Arbitral Award.

Samantala, patuloy ang panawagan ng Pilipinas na igalang ang sovereign rights maging ang exclusive economic zone at continental shelf nito at huwag pigilan ang kalayaan sa paglalayag at gumawa ng kaukulang aksiyon laban sa mga nasa likod ng hindi makatarungang insidente.

Facebook Comments