Kinalampag ni Senadora Imee Marcos ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang pamahalaan dahil sa hindi pagiging transparent sa kahilingan ng Estados Unidos na kupkupin sa bansa ang Afghan nationals na nagpo-proseso ng kanilang US Visa.
Muli ring kinukuwestiyon ng senadora ang bakit pinasa pa ng U.S. sa ibang bansa ang pagkupkop sa Afghan nationals, sa halip na sa Amerika lalo na’t mga dati rin naman nila itong empleyado.
Nagtataka rin si Senadora Marcos kung bakit napili ng Amerika ang Pilipinas sa pagproseso ng US visa ng Afghan nationals gayung malayo ito sa Afghanistan.
Aniya, may mga embahada naman ang Amerika sa mga karatig bansa ng Afghanistan tulad ng Pakistan, Turkmenistan, Tajikistan, at Uzbekistan.
Facebook Comments