Pinag-iingat ng Dept. of Foreign Affairs (DFA) ang kilos ng mga Pilipino sa ibang bansa
Ito’y kasunod ng pagsali ng ilang Pilipino sa mga protesta upang ipanawagan ang kapayapaan sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran matapos mapatay ang pinakamataas na Iranian Commander.
Ayon kay Locsin, dapat batid ng mga Pilipino ang magiging kakahinatnan ng kanilang mga gagawin.
Sinabi naman ni Susan Ople, Presidente ng Blas F. Ople Policy Center, na magdoble ingat ang mga Pinoy sa Middle East dahil sa posibilidad na minamanmanan na ng gobyerno ang kilos ng lahat ng mga naninirahan doon.
Payo pa ni Ople, iwasang mag-post ng anumang political statements at comments sa Social Media at maging maingat din sa pinapadalang email.
Ugaliin ding dalhin ang mga pasaporte at working permit kahit sana magpunta.
Handa ang DFA na magpauwi ng mga Pilipinong nasa Iran na nais bumalik sa bansa.