Department of Foreign Affairs, kinukumpirma na kung may nadamay na pinoy sa shooting incident sa Utrecht (Ju-trekt), Netherlands

Bineberipika na ng Department of Foreign Affairs kung mayroong mga Pinoy na nadamay sa shooting incident sa utrecht (ju-trekt) sa netherlands.

Agad na nakipag-ugnayan ang philippine embassy sa the hague sa mga dutch police at dutch foreign ministry sa mga developments patungkol sa naturang insidente.

Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan na rin si Ambassador Jaime Victor Ledda sa mga filipino community members sa utrecht at inaabisuhan ang mga ito na mag-ingat.


Kasabay nito, nagpahayag ng pakikiramay at simpatya ang DFA sa netherlands kasunod ng shooting incident.

Facebook Comments