DFA, binigyang pugay ang 88 OFW na namatay sa Saudi Arabia

Binigyang pugay ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na namatay sa Saudi Arabia na naiuwi na sa Pilipinas kahapon.

Sa isang simpleng seremonya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang pagpapauwi sa mga labi ng mga OFW ay hindi madali sa ilalim ng COVID-19 situation.

Ang pagsasara ng mga government offices at lockdown sa mga paliparan ay nakadagdag sa mahabang proseso sa pagkuha ng mga kinakailangang permits, clearances at logistics para maiuwi ang mga labi.


Ipinapaabot naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang simpatya at pakikiramay sa pamilya ng mga namatay na OFWs at inalala ang sakripisyo ng mga ito para sa kanilang pamilya.

Ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, ang Philippine Overseas Labor Office, at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nagtutulong-tulong na para magkaroon ng eksklusibong repatriation flight para maiuwi sa bansa ang mga labi ng mga OFW.

Facebook Comments