DFA, blangko pa sa usapin hinggil sa sinasabing pagkakaroon ng Maltese passport ni Defense Sec. Gilbert Teodoro

Dumistansya si Department of Foreign Affairs Sec. Ma. Theresa Lazaro sa isyu ng sinasabing pagkakaroon ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ng Maltese passport.

Ayon kay Lazaro, ipinauubaya na niya sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang pagtalakay sa nasabing usapin.

Gayunman, nilinaw naman ng kahilim na hindi labag sa batas ng Pilipinas ang pagkakaroon ng dual citizenship.

Sinasabing December 22, 2016 nang inisyu ang Maltese passport ni Teodoro.

Pero nilinaw naman ng Defense Department na taong 2021 pa isinuko ni Teodoro ang nasabing passport bago ito naghain ng kanyang kandidatura.

Facebook Comments