DFA chief, hinimok ang US at China na daanin sa dayalogo ang kanilang strategic rivalry

Hinimok ni Department of Foreign Affairs (DFA) Chief Enrique Manalo ang Amerika at China na daanin sa dayalogo ang kanilang strategic rivalry at magkaroon ng transparent engagement kung maaari.

Ginawa ng Foreign Minister ang naturang pahayag isang araw bago ang high-level meeting sa pagitan ng mga opisyal ng Amerika at Pilipinas sa Washington sa gitna ng mas pinaigting na tensiyon sa pagitan ng US at China lalo na sa Taiwan.

Nitong Lunes, nagtapos ang tatlong araw ng tinawag na war games at patrols ng China malapit sa isla matapos na makipagkita si Taiwanese President Tsai Ing-wen kay US House Speaker Kevin McCarthy.


Na-detect ng Taiwan ang ilang Chinese warplanes at 9 na barko sa palibot ng isla noong nakalipas na linggo matapos na magbalik mula US ang pangulo ng Taiwan.

Facebook Comments