DFA, dinepensahan ang China sa pagpasok sa teritoryo ng bansa

Dinepensahan ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin ang panghihimasok ng mga Chinese Vessels sa bansa.

Ang pagtatanggol ng DFA sa China ay kasunod pagungkat sa budget briefing ng House Committee on Appropriations kung ilang ulit ang ginawang pagdaan ng Chinese Warships ng walang paalam sa Sibutu Strait na bahagi ng teritorial waters ng bansa.

Giit ni Locsin, mas madalas pa nga na lumalabag sa right of innocent passage ang mga Western Countries kumpara sa China.


Sinabi pa ni Locsin na sa katunayan ay may stealth technology ang mga kanluraning bansa upang hindi sila madetect ng radar.

Nagtataka kasi ang mga taga oposisyon kung bakit “friendly” pa rin ang pakikitungo ng Pilipinas sa China sa kabila ng pagmamatigas ni Chinese President Xi Jinping na hindi nito kikilalanin ang desisyon ng arbitral tribunal.

May pangyayari aniya na nakapasok ang China sa West Philippine Sea kung saan sinabi nga ng Pangulo na hindi niya papayagan na hindi nagpapaalam ang sinumang papasok sa bansa.

Ang naging tugon ng China dito ay gusto rin naman nilang humingi ng permiso malayo sa naging tugon ng Western Countries na nais ng absolute freedom para makapaglayag sa bansa.

Facebook Comments