DFA, dumepensa sa pagbaba sa alert level sa Libya

Nag-improve na ang sitwasyon sa Libya kaya ibinaba na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 3 ang nasabing bansa.

Sa kabila nito, nilinaw ni DFA Usec. Eduardo de Vega na suspendido pa rin ang deployment ng Pinoy workers sa Libya.

Ang maaari lamang aniyang bumalik doon ay ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na may dati nang kontrata.


Nilinaw rin ng DFA na maliliit na lamang ang mga nagaganap na insidente ng kaguluhan sa Libya.

Maliit na bilang na rin anila ng sagupaan ang naitatala ngayon sa Libya.

Facebook Comments