DFA, dumistansya sa isyu ng extradition ng US kay Pastor Apollo Quiboloy

Dumistansya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa isyu ng extradition ng Amerika kay Pastor Apollo Quiboloy.

Sa halip, itinuro ng DFA ang Department of Justice (DOJ) na anilay dapat magbigay ng statement sa nasabing usapin.

Kabilang sa mga kasong inaakusa ng US kay Quiboloy ang child sex trafficking, fraud, at money laundering.

Una nang napaulat na nitong Hunyo pa nagpadala ang US ng request sa DOJ para sa pag-extradite kay Quiboloy sa Amerika.

Facebook Comments