Hindi makikilahok ang Pilipinas sa pagkondena ng ilang bansa laban sa pagpapatupad ng China ng national security law sa Hong Kong.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., hindi mangingialam ang Pilipinas sa “internal security” issues ng China.
Aminado si Locsin na hindi pa niya nababasa ang batas.
Pag-aaralan din niya kung hanggang saan ang lawak ng national security law na maaaring naka-apekto sa handover terms sa pagitan ng China at United Kingdown na nauwi sa paglipat ng soberenya ng Hong Kong noong July 1, 1997.
Nasa higit-kumulang 200,000 Pilipinong manggagawa ang nasa Hong Kong na karamihan ay domestic helpers.
Facebook Comments