Manila, Philippines – Dumepensa ang Department of Foreign Affairs sa pagkaka-isyu ng ASEAN Media accreditation ID sa isang die hard Duterte supporter na si Bruce Villafuerte Rivera.
Ayon kay Foreign Affairs spokesman Robespierre Bolivar, ang Malacañang MARO o Media Accreditation and Relations Office ang siyang nag-handle sa accreditation ng media sa ASEAN Ministerial Meeting.
Aniya, ang hinawakan lamang ng DFA ay ang accreditation ng DFAPress Corps.
Nilinaw din ni Bolivar na ang MARO ang humahawak sa lahat ng events na may kinalaman sa ASEAN kung saan ang Pilipinas ang chairman.
Sa Facebook post ni Rivera kung saan may nakausap itong isang Singaporean journalist habang nasa International Media Center sa Conrad Hotel, Pasay City, tinanong siya ng dayuhang journalist kung siya ay taga-media rin at ang sagot niya ay “I guess so. That is what the ID says.”