DFA: Gaza, nasa crisis Alert Level 4 na; mandatory repatriation, ipatutupad

Itinaas na ng Department of Foreign Affairs sa crisis Alert Level 4 ang Gaza sa gitna ng nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Israel at Hamas.

Ibig sabihin, magpapatupad na ng mandatory repatriation sa mga Pilipino sa Gaza.

Sa datos ng pamahalaan, nasa 131 Pilipino ang nasa Gaza kung saan 78 sa kanila ang nasa Rafah border malapit sa Egypt.


Habang nag natitira ay nananatili pa sa Gaza City na sentro ng gulo.

Sinisikap na ng gobyerno na maisagawa agad ang repatriation para sa mga kababayang naipit sa digmaan.

Facebook Comments