Pinayagan ng muli ng pamahalaan ng Pilipinas ang deployment ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Pakistan.
Sa bisa na ibinigay ng Department of Foreign Affairs (DFA), tinanggal na ang suspensyon ng deployment ng mga balik manggagawa household service patungong Pakistan.
Una nang sinuspinde ang deployment ng household workers sa naturang bansa noong 2018 dahil sa rekomendasyon ng Philippine Embassy sa Islamabad.
Binigyang diin ng Department of Migrant Workers (DMW) na ang suspensiyon ng deployment sa Pakistan ay dahil pa rin sa nakabinbing resulta ng konsultasyon ng ahensya sa DFA.
Kung matatandaan, una nang inanunsyo ng DMW na hindi ipagpapatuloy ng Pilipinas ang deployment hangga’t walang nilalagdaang bilateral agreement upang matiyak na mapoproteksyunan ang mga kasambahay na made-deploy sa nasabing bansa.