Sinisikap ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mapauwi sa Pilipinas sa lalong madaling panahon ang nakakulong na 13 Pinay surrogate mothers sa Cambodia.
Ayon sa DFA, gumagawa na rin sila ng mga hakbang para mabigyan ng pardon ang naturang mga Pinay na pawang nagdadalantao.
Puspusan na rin anila ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Phnom Penh, sa Cambodian authorities.
Ang 13 Pinay surrogate mothers sa Cambodia ay pinatawan ng apat na taong pagkakabilanggo.
Nanindigan din ang DFA na biktima ng human trafficking ang mga nakakulong na Pinay.
Facebook Comments