DFA, handang kausapin ang ilang opisyal ng EU kaugnay sa isyu ng extrajudicial killing at lagay ng press freedom sa Pilipinas

Inihayag ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na handa niyang kausapin ang mga miyembro ng European Union (EU) hinggil sa usapin tungkol sa resolusyon na inaprubahan ng European Parliament.

Ito’y kaugnay sa pagbawi sa exemptions ng taripa sa mga produktong galing ng Pilipinas dahil sa iginigiit ng European Parliament na lumalaganap na umano ang kaso ng paglabag sa human rights at pagpatay sa press freedom sa bansa.

Ayon kay Locsin, nais niyang pumunta sa world stage para ipaliwanag at itanggi nito ang mga claims ng mambabatas ng EU kaugnay sa nasabing isyu.


Una na rin sinabi ng kalihim na tatalakayin niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ni Laguna Rep. Dan Fernandez na ideklara ang mga opisyal ng EU bilang persona non grata, pero wala pang petsa kung kailan ito magaganap.

Nagbabala naman si Locsin na ang posibleng pagdeklara ng persona non grata sa mga EU officials ay maaring makaapekto sa ilang sektor sa bansa at hindi isama ang Pilipinas mula sa debate kaugnay sa human rights situation sa ating bansa.

Facebook Comments