Bukas ang Department of Foreign Affairs o DFA na talakayin sa counterparts nito sa China ang mapanganib na maniobra na ginawa ng dalawang eroplano ng Peoples Liberation Army Air Force na nagpakawala rin ng flares sa daraanan ng eroplano ng Philippine Air Force (PAF) sa Bajo de Masinloc.
Sa pagdinig ay nagpahayag ng pagkadismaya at pagkondena si Manalo sa nabanggit na pangyayari kaakibat ang pagbibigay-diin na ang naturang lugar ay sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Gayunpaman, inihayag ni Manalo na nanatili ang ating polisya na resolbahin sa mapayapang paraan ang anumang tensyon o hindi pagkakaunawaan alinsunod din sa itinatakda ng international laws.
Binanggit ni Manalo na mayroon naman silang regular na konsultasyon sa China kung saan nila maaring talakayin ang nabanggit na mapanganib na insidente.