Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa naulilang pamilya ng PBA legend na si Cristiano “Cris” Bolado.
Si Bolado o mas kilala bilang Jumbolado sa PBA ay nasawi dahil sa isang vehicular accident noong Linggo sa Cambodia.
Ayon kay Foreign Affairs Asst. Sec. Rob Bolivar, nag-alok sila ng tulong sa pamilya ni Bolado sa pamamagitan ng pagpapanumbalik o pag-repatriate sa mga labi nito sa Pilipinas.
Tiniyak naman ng DFA na tututukan nila ang kaso ni Bolado at nangakong patuloy na makikipag-ugnayan sa Cambodian police para sa imbestigasyon ng kinasangkutang aksidente.
Matatandaang si Bolado ay naglaro sa mga koponan ng Alaska, San Miguel, Coca-Cola, Purefoods at Gordon’s Gin.
Taong 2003 nang magretiro si Bolado bilang PBA player.