Walang natanggap na notice ang Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Chinese Embassy na kasama ang Pilipinas sa tourism blacklist.
Sinabi ni DFA Assistant Secretary for Consular Affairs Henry Bensurto Jr., wala siyang natanggap na impormasyon kaugnay sa isyu.
Ayon naman kay DFA Spokesperson Tess Daza, naghihintay siya ng feedback mula sa mga concerned office ng DFA kung may natanggap silang notice mula sa China.
Mababatid na itinanggi ng Chinese Embassy na isinama ng China ang Pilipinas sa tourism blacklist na unang isinawalat ni Senate President Juan Miguel Zubiri.
Nanindigan naman si Zubiri sa kaniyang pahayag at ikinagulat ang pahayag ng Embahada na misinformation ang kaniyang sinabi.
Facebook Comments