DFA, hindi na nakakapagtala ng mga bagong COVID cases sa hanay ng mga Pinoy sa Europe at US

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi na sila nakakapagtala ng mga bagong kaso ng mga Pilipinong na-infect ng COVID-19 sa Europe at US.

Ayon sa DFA, patuloy rin na tumataas ang bilang ng mga Pinoy sa abroad na nakaka-recover sa nasabing sakit.

Mangilan-ngilan na lamang din ang naitatalang overseas Filipinos na binabawian ng buhay sa ibayong-dagat dahil sa virus.


Sa kabila nito, patuloy rin na nakakapagtala ang DFA ng mga bagong kaso ng infection sa mga Pilipino sa Asya, Middle East at Africa.

Facebook Comments