DFA, hindi na nakakapagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pinoy sa Europa

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala silang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pilipino sa Europe sa nakalipas na linggo.

Sa ngayon, ang Middle East at Africa ang may pinakamataas na bilang ng mga Pinoy na bagong na-infect ng Coronavirus.

Ang Asia and the Pacific naman ang may pinakamataas na bilang ng Overseas Filipinos na namatay at gumaling sa COVID-19.


Kinumpirma naman ng DFA na tumaas ang bilang ng mga Pilipino sa ibayong-dagat na binawian ng buhay dahil sa COVID.

Tumaas din ang bilang ng aktibong kaso at ng mga gumaling.

Facebook Comments