Hindi pa matukoy ng Department of Foreign Affairs kung anu-anong mga bansa ang sakop ng community quarantine na ipapatupad sa Metro Manila simula bukas.
Ayon sa DFA, patuloy pa rin ang pagtalakay hinggil dito at kung anu-anong mga exemptions at requirements ang maaaring i-prisinta ng mga dayuhan.
Sama-sama pa rin itong pina-plantsa ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.
Ang pahayag ay ginawa ng DFA kasunod ng ulat na marami nang mga dayuhan kabilang na ang mga Hapones na nagkansela ng kanilang biyahe sa Pilipinas matapos i-anunsyo ng Pangulong Duterte ang community quarantine sa Metro Manila.
Facebook Comments