DFA, hinikayat na aralin ang posibleng paglabag ng China sa International Humanitarian Law

Iminungkahi ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sa Department of Foreign Affairs (DFA) na pag-aralan ang posibleng paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) ng China.

Kasunod ito ng nangyaring insidente sa Ayungin Shoal kung saan pinagkukuha at pinagtatapon ng China Coast Guard (CCG) ang suplay ng pagkain ng ating mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre.

Ayon kay Tolentino, kailangan na ring pag-aralan ng DFA ang mga posibleng paglabag na ginawa ng China sa international law at hindi lamang tayo basta magpo-focus lang sa paghahain ng diplomatic protest.


Mahalaga aniyang maunawaan na wala pang direktang gulo na nangyayari sa pagitan ng Pilipinas at China subalit sa ilalim ng IHL ang paggutom ay maituturing na isang paraan ng warfare o labanan.

Sinabi ni Tolentino na ang nangyari sa Ayungin Shoal ay malinaw na pagkakait ng suplay ng pagkain na isang paglabag sa karapatan sa buhay at karapatan sa pagkain at ito aniya ay tila isang ‘act of aggression’.

Facebook Comments