DFA, hinimok ang mga Pinoy sa Libya na umuwi sa Pilipinas

Muling nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino na nasa Libya na umuwi na ng Pilipinas dahil sa kaguluhan doon.

Sa pahayag ng DFA, isang 45-anyos na Pinoy na isang cook doon at tubong Misamis Occidental ang tinamaan ng ligaw na bala ang paa sa nangyaring cross fire malapit sa tinitirahan nito sa Tripoli.

Ayon kay DFA Undersecretary at Embassy chargé d’affaires Elmer Cato, agad namang na-evacuate ang nasabing Pinoy maging ang anim nitong kasamahan.


Maliban dito, isa ring Pinoy ang nasugatan noong nakaraang linggo matapos naman ang rocket attack sa Tripoli.

Nabatid sa sa 1,000 Pilipinong nasa Libya nasa 11 pa lang ang nag-repatriated sa Pilipinas.

Sabi ni Cato, personal na niyang pinupuntahan ang mga Pinoy sa Libya para kumbinsihin na umuwi na ng Pilipinas.

 

Facebook Comments