Hinihikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga undocumented Filipino sa Amerika na magtungo sa Philippine Embassy doon.
Ito ay para makapag-renew sila ng kanilang mga dokumento.
Ayon kay Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega, bukod sa Embahada sa Washington, may mga konsulado aniya ng Pilipinas sa New York, Los Angeles, San Francisco, Houston, Hawaii, at Guam na maaaring puntahan ng mga undocumented Filipino para matulungan sila.
Nilinaw rin ni Usec. De Vega na hindi ikukulong ng embahada ang undocumented Filipinos sa US.
300,000 hanggang 350,000 ang tinatayang bilang ng undocumented Filipino sa Amerika.
Facebook Comments