Manila, Philippines – Hinikayat ng isang kongresista ang Department of Foreign Affairs na makipagtulungan sa Estados Unidos para matunton si Ralph Trangia, ang suspek sa pagkamatay sa hazing ni Atio Castillo III.
Si Trangia ay kumpirmadong lumabas ng bansa nitong September 19 patungo ng Taiwan at mula doon ay lumipad patungo ng Chicago sa Amerika.
Ayon kay Aangat Tayo Pl Rep. Neil Abayon, pwedeng ipilit ng DFA ang extradition treaty para makuha ang tulong ng US sa paghahanap kay Trangia.
Dapat madaliin na ng DFA ang pakikipag-ugnayan kay US Ambassador Sung Kim upang maipaabot sa US Gov’t ang hiling ng Pilipinas.
Giit ni Abayon, pugante ng maituturing si Trangia kaya dapat gamitin ng gobyerno ang koneksyon nito sa Amerika para mapanagot ito.
Kasama si Trangia sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity na kinasuhan ng murder at paglabag sa anti hazing law kung saan damay pati ang ama nitong si Antonio habang ang ina naman nito na si Rosemarie ay nahaharap sa kasong obstruction of justice.