DFA, humihingi ng paliwanag sa China kaugnay ng pagpasok ng Chinese vessel sa Benham Rise

Manila, Philippines – Humihingi ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng paliwanag sa China kaugnay ng pagpasok ng Chinese survey vessel sa Benham Rise. 

 

Ito ay sa pamamagitan ng note verbale ng DFA.

 

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, malinaw na teritoryo ng Pilipinas ang naturang karagatan.

 

Aniya, nai-award ang Benham Rise sa Pilipinas bilang bahagi ng Exclusive Economic Zone at extended continental shelf.

 

Otomatiko aniyang may sovereign rights at jurisdiction sa Benham Rise ang Philippine government at siya lamang ang maaaring pwedeng mag-explore, mag-exploit at mag-manage ng mga matatagpuang natural resources dito.

 

Gayunman, nilinaw ni Asec. Charles Jose na kinikilala rin ng Pilipinas ang karapatan ng ibang bansa na dumaan sa nasabing karagatan subalit hindi maaaring magsagawa ng ano mang economic activity doon o huminto ang mga dayuhang barko.

Facebook Comments