DFA, ibinaba na sa Alert Level 3 ang Iraq

Ibinaba na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level sa buong Iraq sa Alert Level 3.

Ito ay mula sa Alert Level 4 o Mandatory Repatriation.

Ayon sa DFA, nag-improve na ang security situation sa Iraq kaya Voluntary Repatriation na lamang ang pinaiiral ngayon.


Sa kabila nito, pinapayuhan pa rin ng DFA ang mga Pinoy sa Iraq na maging maingat at iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan.

Una nang hiniling ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Iraq na babaan na ang alert level sa nasabing bansa.

Facebook Comments