Tumanggi si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na makibahagi sa negosasyon para sa 1951 Mutual Defense Treaty (MDT) sa Estados Unidos.
Ayon kay Locsin – ayaw na niya ng re-negotiation hinggil sa tratado na higit sa dekada na ang gulang.
Aniya, ang Department of National Defense (DND) ay gustong i-review ang kasunduan.
Una nang sinabi ni US Secretary of State Michael Pompeo – na tunay ang obligasyon ng Amerika sa ilalim ng treaty.
Sa ilalim ng MDT, magtutulungan ang Pilipinas at Amerika sakaling magkaroon ng armed attack.
Facebook Comments