Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nananatiling zero casualties o walang naitalang Pinoy na nasugatan o namatay sa Gaza kaugnay sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Israel at groupong Hamas.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega,base sa kanilang monitoring ay wala umanong naitatalang sugatan o patay na Pinoy sa Gaza dahil na rin sa pagbabantay ng ating pamahalaan sa mga kababayan natin Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit sa kaguluhan sa Gaza.
Aniya, hinihintay pa rin ng embahada ang pagbubukas ng border para maiproseso na ang paglikas ng ating mga kababayan na nais na umalis sa nasabing bansa.
Samantala, umabot na sa 113 OFWs ang nagpahayag ng paglikas mula sa Gaza upang makabalik na ng ating bansa.