DFA, ikinalugod ang muling pagpapalawig ng amnesty program ng Saudi government

Manila, Philippines – Inaasahang 6,000 mga undocumented Overseas Filipino Workers pa ang makikinabang sa panibagong extension ng amnesty program ng Saudi Government.

Kasunod nito, nagpapasalamat si Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano sa Saudi Government dahil makakauwi na sa bansa ang libo-libo nating mga kababayan na itinuturing na mga illegal alien sa Saudi.

Sa datos ng DFA, 8,467 undocumented Filipinos na ang nakapag-avail ng nasabing programa.


Nabatid na inumpisahan ang amnesty program ng Saudi Government noong March 29, at ngayon, sa ikalawang pagkakataon muli itong pinalawig ng gobyerno ng Saudi.

Magtatagal ang nasabing programa hanggang sa susunod na buwan.

Sagot na ng DFA ang pamasahe ng mga Pinoy na ire-repatriate mula sa Saudi.

Facebook Comments