
Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pahayag ni Australian Federal Police Commissioner Krissy Barrett na naniniwala silang hindi nagsanay sa Pilipinas ang dalawang suspek sa mass shooting sa Bondi Beach, Australia nitong December 14, 2025.
Batay sa imbestigasyon ng PNP, nakumpirmang nanggaling sa Pilipinas ang dalawang shooters bago sila nagtungo sa Australia.
Gayunpaman, ayon sa DFA, kumbinsido ang Australian authorities sa findings ng PNP na walang naging logistical preparation sa Pilipinas ang dalawang suspek habang nanuluyan sa hotel sa Davao mula November 1 hanggang 29, 2025.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Australian authorities sa insidente, na naganap sa selebrasyon ng Jewish holiday, kung saan 15 ang nasawi.
Tiniyak ng Pilipinas ang patuloy na kooperasyon sa imbestigasyon at sa kampanya ng Australia kontra terorismo.










