DFA, ikinatuwa ang patuloy na negosasyon ng Pilipinas at EU Free Trade Agreement

Malugod na tinanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapatuloy ng negosasyon para sa Philippines-European Union Free Trade Agreement (PH-EU FTA).

Bigyang-diin ng gobyerno ng Pilipinas ang kahalagahan ng PH-EU FTA sa pagkamit ng stable economic growth at sustainable development hindi lamang para sa Pilipinas, kundi para sa rehiyon ng Indo-Pacific.

Ayon sa DFA, pinahahalagahan umano nito ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng European Commission sa FTA, kasunod ng matagumpay na pagtatapos ng stock-taking exercises na isinagawa ng mga working level expert mula sa PH at EU noong September hanggang December 2023.


Kasunod nito, inaasahan ng ahensya ang higit pang koordinasyon ng EU sa comprehensive, balance at modern FTA.

Facebook Comments