DFA, inaasahang magigisa sa Senado kaugnay ng pagkupkop ng pamahalaan sa Afghan refugees

Hihingan ng Senado ng kumpletong detalye ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagsang-ayon nito na pansamantalang manirahan sa Pilipinas ang Afghan nationals.

Ito ay habang na pino-proseso nila ang kanilang aplikasyon para sa special immigrant visa at resettlement sa Amerika.

Ayon kay Senate President Chiz Escudero, gagamitin nila ang pagkakataon na matanong ang DFA sa deliberasyon sa budget ng departamento para sa taong 2025.


Aniya, ang budget hearings ng Senado ay hindi lamang para sa paniningil at pag-usisa kung paano ginagamit ang pondo ng mga ahensya ng gobyerno, kundi para rin sa paglilinaw sa mga isyu.

Sa kabila nito, nilinaw ni Escudero na walang dapat ipangamba rito ang publiko dahil ang Afghan nationals na tatanggapin sa bansa ay nakatulong sa paglaban ng Amerika sa mga terorista sa Afghanistan.

Facebook Comments