DFA, inalalayan na ang mga Filipino seafarers na kinulong ng Libyan authorities

Manila, Philippines – Inatasan na ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano ang Philippine Embassy sa Tripoli na gawin ang lahat ng paraan upang mapalaya ang 20 Filipino seafarers na nakadite matapos mahuli sa kanilang sinasakyang barko.

Ayon kay Cayetano, tinitiyak umano ng Philippine Embassy sa Tripoli at nagbigay na ng direktiba na tiyaking makakuha ng agarang ayuda sa mga nakakulong na Filipino seafarers, at agad makalaya upang maibalik sa bansa sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Embassy Chargè d’Affaires Mardomel Melicor, nakipag-ugnayan na siya sa mga otoridad para mabigyan ng seguridad ang nakaditeneng Filipino seafarers mula sa Libyan Ministry of Foreign Affairs.


Paliwanag ni Melico,r hinarang ng Libyan Coast Guard patrol ang Liberian-flagged tanker dahil may kahina-hinalang nag-iismuggle ng langis kung saan ay hinila na papuntantang Tripoli na may kargang 6 na milyong litro ng langis.

Halos mahigit 200 libo o one-fourth sa kabuuang bilang na mga Filipino seafarers sa buong mundo kung saan ang Pilipinas ay nanatiling numero unong pinaka-maraming Filipino seafarers sa buong mundo at pangalawa sa pinakamalaking bilang ng officers na naitala noong 2016.

Facebook Comments