DFA inatasan ang mga opisyal sa Libya na tulungan ang 20 pinoy na hinuli dahil sa oil smuggling

Manila, Philippines – Iniutos na ng Department of Foreign Affairs sa ating Embahada sa Libya na magbigay ng tulong sa 20 Filipino crew na ikinulong sa Libya dahil sa umano’y fuel smuggling.

Ayon kay Foreign Affairs Asec. Rob Bolivar, sa ngayon hinihintay pa nila ang kongkretong ulat hinggil dito

Pero magkagayunman kumikilos na aniya ang ating counterpart sa Libya upang matiyak na mabibigyan ng tulong ang ating mga kababayan


Sa ngayon tiniyak ni Bolivar na masusi nilang minomonitor ang nasabing insidente.

Kahapon matatandaang nasabat ng Libyan navy ang isang oil tanker malapit sa borderline ng Tunisia at Libya.

Ang nasabing oil tanker ay pagmamay-ari ng isang Greek company na naglalaman ng six million liters o 1.5 million gallons ng langis.

Facebook Comments