DFA, inilunsad ang isang microsite para sa 2016 Arbitral Ruling na naipanalo ng Pilipinas

Inilunsad ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isang mircosite bilang paggunita sa ikapitong anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas laban sa China sa Permanent Court of Arbitration.

Ayon kay DFA Secretary Enrique Manalo, laman ng nasabing microsite ang mga isinumiteng dokumento ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration, pahayag ni dating DFA Secretary Albert del Rosario na nag-aanunsyo sa desisyon na itulak ang arbitral proceedings laban sa China, ang legal at geographic scope ng West Philippine Sea, at sagot sa mga kalimitang tanong patungkol sa arbitration ruling.

Umaasa naman si DFA Assistant Secretary Maria Angela Ponce na magagamit ng publiko ang mga nasabing materyal upang maintindihan ang napakalawak na isyung kinakaharap ng Pilipinas sa South China Sea at West Philippine Sea.


Nakatanggap naman ang DFA mula sa mga ahensya ng pamahalaan sa pagkuha at pag-secure ng mga materyal, partikular mula sa Presidential Communications Office at National Mapping and Resource Information Authority

Sinabi ni Manalo na ito ay panimulang katuparan sa pangako ng DFA na magkaroon ng mas mabuting pag-unawa sa 2016 Arbitral Award bilang ambag ng Pilipinas sa mapayapang paglutas ng mga dispute sa pamamagitan ng international law.

Upang makita ang microsite, bisitahin lamang ang https://sites.google.com/dfa.gov.ph/wpstest/home#.

Facebook Comments