DFA, ipatutupad na ang voluntary repatriation ng mga Pinoy sa Haiti

Ipatutupad na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang voluntary repatriation sa bansang Haiti.

Ito’y matapos isailalim ang naturang lugar sa alert level bunsod ng nangyayaring kaguluhan o gang violence sa nasabing bansa.

Kasunod nito, hindi na rin papayagan ang lahat ng pinoy na nakatakdang umalis at magtrabaho papuntang Haiti at kahit pa ang mga Pinoy na pabalik doon.


Pinapayuhan naman ang mga Pinoy sa Haiti na manatiling mapag-matyag, iwasan ang mga papumblikong lugar at limitahan ang non-essential movement.

Sa datos ng ahensya, nasa 169 na Pinoy ang kasalukuyang nasa haiti at karamihan sa mga ito ay nakatira sa Port-au-Prince at ang iba naman ay mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Facebook Comments