DFA, ipinaabot na sa US ang diplomatic note para sa pagbawi ng VFA abrogation

Ipinadala na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang diplomatic note kay United States Defense Secretary Lloyd Austin III para sa pagbawi ng abrogation ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., niresolba ng US “with good faith” ang mga isyu sa security relationship nila ng Pilipinas.

Ipinakita aniya ng US ang kanilang commitment na tuparin ang mga obligasyon nito sa Pilipinas sa ilalim ng alyansa.


Sinabi rin ni Locsin na nananatiling matatag ang alyasan ng dalawang bansa at nalampasan ang mga hamon.

Ang matibay na presenya ng US ay layong mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa Southeast Asia.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte na bawiin ang nakatakdang pagbasura sa VFA kasunod ng pulong niya kay Sec. Austin III sa Malacañang kasabay ng paggunita sa 75th Philippines-US diplomatic relations.

Facebook Comments