DFA, ipinaalala ang mga gamit na ipinagbabawal na dalhin sa Hong Kong

Manila, Philippines – Nagpaalala naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipinong bibisita sa Hong Kong.

Ito ay matapos maaresto ang isang Pilipinong estudyante sa Hong Kong makaraang makitaan ng expandable baton sa kanyang bagahe.

Ayon sa Philippine Consulate sa Hong Kong – ipinagbabawal sa bansa ang ilang personal defense weapons.


Kabilang ang mga sumusunod: stun guns; pepper spray; tear gas; flick knives; knuckledusters at ang expandable baton.

Ang mga mahuhulihan ng mga hindi lisensyadong gamit ay pagmumultahin ng 100,000 Hong Kong dollars.

Maari ring makulong ng hindi bababa sa limang taon.

Facebook Comments