DFA, ipinatawag na ang opisyal ng Chinese Embassy para i-protesta ang panghaharass ng kanilang coast guard

Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isang senior official ng Chinese Embassy para i-protesta ang insidente ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng research activity sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na nirerebyu na nila ang mga impormasyon kaugnay sa insidente na naganap sa pinag-aagawang teritoryo.

Ayon sa DFA, nakahanda silang umaksyon sa pamamagitan ng mapayapang paraan kaugnay sa mga nagiging paglabag sa ating soberenya.


Muli ring iginiit ng DFA ang ating pagkapanalo sa Permanent Court of Arbitration noong 2016 kaugnay sa isyu ng teritoryo sa South China Sea.

Facebook Comments