DFA, kinontra ang travel advisory ng China laban sa Pilipinas

Kinontra ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang inilabas ng China na travel advisories laban sa Pilipinas.

Partikular na rito ang warning ng China sa kanilang mga estudyante na nagbabalak mag-aral sa Pilipinas.

Sa harap ito ng pagkabahala ng Tsina sa anila’y tumataas na kaso ng mga krimen sa bansa kung saan ang mga biktima ay Chinese nationals.

Ayon sa DFA, tila hindi akma ang report ng China lalo na’t tinutugunan naman ng mga awtoridad ng Pilipinas ang mga napapaulat na krimen sa bansa.

Kabilang na rito ang mga krimen kung saan mga Tsino rin ang bumibiktima sa kanilang mga kapwa-Chinese na nasa Pilipinas.

Sa kabila nito, iginiit ng DFA ang pagiging bukas ng bansa sa pagtugon sa mutual concern ng dalawang bansa.

Tinukoy rin ng DFA ang katatapos lamang na 9th Philippines-China Joint Consular Consultation Meeting, kung saan tinalakay ng dalawang panig ang mga isyu at mga hakbang sa pagtugon at pagpapalalim ng law enforcement cooperation ng dalawang bansa.

Facebook Comments