
Kinontra ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nasa kamay na ng DFA ang pagpapabalik sa bansa kay Cong. Zaldy Co at hindi sa DFA.
Partikular na tinukoy ni Remulla ang diplomatic channels at legal processes sa pagpapauwi kay Co na aniya’y nasa hurisdiksyon ng DFA.
Nilinaw naman ng DFA na ang pag-aresto at pagpapauwi kay Co ay nakasalalay sa koordinasyon ng law enforcement at judicial processes, partikular sa Interpol.
Iginiit din ng DFA na ang whole-of-government approach, ay pagsasanib-pwersa ng concerned government agencies at hindi lamang ng isang ahensya ng pamahalaan.
Sa kabila nito, nanawagan ang DFA sa publiko na ipagbigay alam sa pamahalaan ang impormasyon na kanilang nalalaman hinggil sa kinaroroonan ni Co.
Nakahanda naman anila ang DFA na magbigay ng diplomatic assistance alinsunod sa kanilang mandato at protocols.










