DFA, kinumpirma ang kauna-unahang mapayapang RoRe mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal matapos ang kasunduan ng Pilipinas at China

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kauna-unahang matagumpay na Rotation and Reprovisioning (RoRe) mission ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ngayong araw.

Ayon sa DFA, walang nangyaring tensyon sa RoRe mission matapos na magkasundo ang Pilipinas at China na iwasan ang sagupaan sa tuwing magsasagawa ng resupply mission ang tropa ng Pilipinas.

Kinumpirma rin ng DFA na civilian vessel na MV Lapu-Lapu ang ginamit sa mission at ito ay escorted ng barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Cape Engaño.


Magugunitang sa mga nakalipas na RoRe mission sa Ayungin Shoal, ang mga barko ng Pilipinas ay binobomba ng water canon ng mga barko ng China kung saan nagdudulot ito ng pagkasugat ng mga tropa ng Pilipinas bukod pa sa pagkapinsala ng mga barko ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy.

Facebook Comments