Pinalaya na ang isang Pilipinong tripulante mula sa barkong MSC Aries na tinake-over ng Iranian forces habang nasa Gulf of Aden.
Todo pasalamat naman ang gobyerno ng Pilipinas, Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) sa gobyerno ng Iran at sa tulong ng India dahil sa ginawang pagpapalaya.
Kasunod nito humiling din ang DFA na sana’y pakawalan na ang tatlo pang tripulanteng Pilipino na binihag noong April 13.
Kung maaalala, pinaghihinalaang may kinalaman ang naturang container ship sa Israel.
Facebook Comments