DFA, kinumpirma na 58 OFWs na nasa kustodiya ng Philippine Consulate sa Jeddah ang nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Jeddah, Saudi Arabia na 58 na mga lalaking OFW na nasa ward ng konsulada ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ay mula sa 75 na Pinoy workers na kinakalinga ng Philippine Consulate.

Ang mga nagpositibong mga lalaking OFW ay inilagay na sa hiwalay na quarantine facility.


Pagkatapos ng labing-apat na araw, sila ay muling isasailalim sa COVID-19 test.

Ang mga nagnegatibo namang distressed OFWs sa ward ay inilagay mula sa hiwalay na pasilidad at muli rin silang isasailalim sa swab test.

Patuloy naman ang disinfection sa buong premises ng Philippine Consulate.

Kinumpirma rin ng Department of Foreign Affairs na ang pinakahuling Pilipinong binawian ng buhay sa Western Region ng Saudi Arabia dahil sa COVID-19 ay diabetic.

Facebook Comments