Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isa sa kanilang diplomats Philippine Mission to the United Nations sa New York, USA ang nag-positibo sa COVID-19.
Sa ngayon, anila, ay pinatutupad na ang kaukulang health at safety protocols sa babaeng Pinoy diplomat.
Una nang kinumpirma ng UN missions ang pagpositibo ng nasabing Pinay diplomat.
Sa ngayon, naka-lockdown na ang Philippine Mission at inabisuhan ang lahat ng personnel na sumailalim sa self-quarantine at agad na magpatingin sa ospital kapag nakaramdam sila ng sintomas.
Una na ring kinumpirma ni Philippine acting UN Ambassador Kira Azucena na may hinala sila na lahat silang Filipino diplomats ay infected.
12 ang diplomats sa Filipino mission na naka-base sa 5th Avenue sa Midtown Manhattan, New York.