Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Filipino seafarer ang nasugatan nang tamaan ng missile ang barkong sinasakyang nito habang tumatawid sa Black Sea.
Ang naturang Pinoy ay kabilang sa 21 FIlipino crew ng Japanese-owned, Panamanian-flagged grain bulk carrier M/V Nomura Queen.
Nilinaw naman ng DFA na hindi naman delikado ang lagay ng nasugatang Pinoy crew at ang 20 iba pang Pinoy ay ligtas naman.
Ayon sa Philippine Embassy sa Tokyo, agad na dumeretso ng Istanbul, Turkey ang barko para sa kaukulang repair.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay isa ring Turkish-owned ship ang tinamaan ng bomba habang nasa Odessa Port sa Ukraine pero ligtas naman ang 11 Pinoy crew na sakay nito.
Facebook Comments